Paghahayag ng Family Link para sa Mga Magulang ng Mga Batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa)

Tingnan ang Notification ng Privacy para sa Mga Google Account at Profile na Pinapamahalaan gamit ang Family Link, para sa Mga Batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa)

Welcome sa Mga Magulang!

Priyoridad namin ang tiwala mo, at malaking desisyon ang pagpapahintulot sa iyong anak na magkaroon ng Google Account. Maglaan ng ilang sandali para suriin ang mahalagang impormasyong ito para matuto pa.

Ang Google Account ng iyong anak

Ang Google Account ng iyong anak ay katulad ng account mo, at nag-aalok ito ng access sa maraming produkto at serbisyo ng Google, kasama ang mga serbisyong hindi idinisenyo o naaangkop para sa mga bata. Magagamit ng iyong anak ang account niya para gumawa ng mga bagay tulad ng:

  • Magtanong, mag-access, at maghanap sa internet gamit ang Google Assistant, Chrome, at Search

  • Makipag-ugnayan sa iba gamit ang Gmail, SMS, video, boses, at iba pang paraan ng pakikipag-ugnayan;

  • Mag-download, bumili, at gumamit ng mga app, laro, musika, pelikula, at higit pa;

  • Gumawa, tumingin, at magbahagi ng mga larawan, video, presentation, dokumento, at iba pang content;

  • Subaybayan ang impormasyon sa kalusugan at fitness kasama ang antas ng aktibidad at bilis ng tibok ng puso sa Google Fit (depende sa mga device ng iyong anak);

  • Makakita ng mga nasa kontekstong ad habang ginagamit ang mga serbisyo ng Google.

Family Link at pagsubaybay ng magulang

Idinisenyo ang Family Link app ng Google para tulungan kang magtakda ng mga panuntunan at gabayan ang karanasan ng iyong anak habang nag-e-explore siya online. Ang iyong anak ay magiging bahagi ng grupo ng pamilya sa Google mo, na puwede mong gamitin para magbahagi ng mga serbisyo ng Google sa iyong anak at sa hanggang apat na iba pang miyembro ng pamilya. Makakapagdagdag ka ng isa pang magulang sa ibang pagkakataon para tumulong na pamahalaan ang account ng iyong anak. Magagamit ng mga magulang ang Family Link para magawa ang mga bagay gaya ng:

  • Magtakda ng mga limitasyon sa tagal ng paggamit sa mga Android o ChromeOS device ng iyong anak;

  • Tingnan ang lokasyon ng mga naka-sign in at aktibong Android device ng iyong anak;

  • Aprubahan ang mga pag-download at pagbili ng iyong anak sa Google Play at Stadia o limitahan ang visibility ng content batay sa mga rating ng maturity;

  • Tulungan ang iyong anak na piliin ang mga uri ng aktibidad na puwedeng i-save sa kanyang Google Account at kung paano ito magagamit para i-personalize ang kanyang karanasan;

  • Pamahalaan ang mga setting gaya ng SafeSearch para sa Google Search;

  • Suriin ang mga pahintulot sa app ng iyong anak, gaya ng access sa mikropono, camera, at mga contact sa Android at ChromeOS; at;

  • Baguhin ang content, access, at iba pang setting para sa mga karanasan sa YouTube (kapag available), kabilang ang YouTube at YouTube Kids.

Bagama't makakatulong sa iyo ang parental controls ng Family Link na subaybayan at pamahalaan ang karanasan ng iyong anak, may mga limitasyong dapat mong tandaan:

  • Bagama't marami sa parental controls ng Family Link ang mapapamahalaan sa web, kakailanganin mo ang Family Link app sa Android o iOS para mapamahalaan ang ilang partikular na feature gaya ng mga limitasyon sa tagal ng paggamit.

  • Makakatulong ang mga setting tulad ng SafeSearch, mga paghihigpit sa website ng Chrome, at mga filter ng Play Store na limitahan ang access sa hindi naaangkop na content, pero hindi perpekto ang mga ito. Kahit naka-on ang mga kontrol na ito, posible pa ring ma-access ng iyong anak ang content na ayaw mong makita niya.

  • Hindi kinakailangan ang pag-apruba ng magulang kapag ang iyong anak ay magda-download ulit ng isang app o iba pang content na dati nang naaprubahan, mag-i-install ng update sa isang app (kahit ng update na nagdaragdag ng content o humihingi ng karagdagang data o mga pahintulot), o magda-download ng nakabahaging content mula sa Google Play Family Library mo.

  • Limitado ang availability ng ilang feature ng Family Link, at nangangailangan ang mga ito ng mga partikular na setting at sitwasyon para gumana. Halimbawa, available lang ang pag-block ng mga app kapag naka-sign in ang iyong anak sa isang katugmang Android o ChromeOS device, at available lang ang pagtingin sa lokasyon ng device ng anak mo sa Family Link app kapag naka-on at nakakonekta sa internet ang kanyang Android device.

Kapag 13 taong gulang na ang iyong anak (posibleng iba ang edad depende sa bansa), puwede niyang piliing pamahalaan niya mismo ang account niya nang walang pagsubaybay mo.

Respetuhin ang Iba

Marami sa aming mga serbisyo ang nagbibigay-daan sa iyong anak na makipag-ugnayan sa ibang taong gumagamit ng aming mga serbisyo. Gusto naming magpanatili ng lugar na may respeto sa lahat. Ang ibig sabihin nito ay dapat sumunod ang iyong anak sa mga pangunahing panuntunan sa asal, gaya ng hindi pang-aabuso o pananakit sa iba o sa kanyang sarili (o pagbabanta o panghihikayat na mang-abuso o manakit) - halimbawa, sa pamamagitan ng panlilinlang, panloloko, paninirang-puri, pananakot, panliligalig, pag-stalk sa iba, o pamamahagi sa publiko ng mapoot na content (gaya ng content na nang-uudyok ng galit o diskriminasyon batay sa pinagmulan, lahi, relihiyon, kasarian, sekswal na oryentasyon, atbp.) kapag ginagamit ang aming mga serbisyo. Kapag nag-publish ng mapoot na content ang iyong anak, posibleng magkaroon kayo ng anak mo ng sibil o kriminal na pananagutan.

Ang privacy ng iyong anak

Kung gusto ng iyong anak na magkaroon ng sarili niyang Google Account o profile, posibleng kailanganin namin ang pahintulot mo para makolekta, magamit, o maihayag ang impormasyon ng iyong anak gaya ng inilalarawan sa Notification ng Privacy na ito at sa Patakaran sa Privacy ng Google. Kapag pinayagan mo ang iyong anak na gamitin ang aming mga serbisyo, ipinagkakatiwala mo at ng iyong anak ang impormasyon ninyo sa amin. Nauunawaan naming isa itong malaking responsibilidad at pinagsisikapan naming protektahan ang iyong impormasyon at bigyan ka ng kontrol. Magagawa mong piliin kung puwedeng pamahalaan ng iyong anak ang kanyang mga kontrol ng aktibidad para sa mga bagay-bagay gaya ng Aktibidad sa Web at App, History sa YouTube, at, sa mga naaangkop na rehiyon, pag-link ng ilang partikular na serbisyo ng Google.

Ipinapaliwanag ng Notification ng Privacy na ito para sa Mga Google Account at Profile na Pinapamahalaan gamit ang Family Link, para sa Mga Batang wala pang 13 (o naaangkop na edad sa iyong bansa) at ng Patakaran sa Privacy ng Google ang mga kasanayan sa privacy ng Google. Kung may mga kasanayan sa privacy na partikular sa account o profile ng iyong anak, gaya ng mga nauugnay sa mga limitasyon sa naka-personalize na pag-advertise, ibabalangkas ang mga pagkakaibang iyon sa Notification ng Privacy na ito.

Hindi nalalapat ang Patakaran sa Privacy na ito sa mga kasanayan ng anumang app, pagkilos, o website ng third party (hindi Google) na posibleng gamitin ng iyong anak. Dapat mong suriin ang mga naaangkop na tuntunin at patakaran para sa mga app, pagkilos, at site ng third party para matukoy ang kaangkupan ng mga ito para sa iyong anak, kabilang ang mga kasanayan ng mga ito sa pangongolekta at paggamit ng data.

Ang impormasyong Kinokolekta Namin

Kapag napahintulutan mo nang magkaroon ng Google Account o profile ang iyong anak, sa pangkalahatan, ituturing ang kanyang account katulad ng iyo pagdating sa impormasyong kinokolekta namin. Halimbawa, kinokolekta namin ang:

Ang impormasyong ginagawa ninyo ng anak mo o ibinibigay ninyo sa amin.

Bilang bahagi ng proseso ng paggawa ng account o profile, puwede kaming humingi ng personal na impormasyon gaya ng pangalan at apelyido, email address, at petsa ng kapanganakan. Kinokolekta namin ang impormasyong ibinibigay mo at ng iyong anak, gaya ng mgadetalye sa mo pakikipag-ugnayan online, na kailangan namin para makaugnayan ka at makahingi ng pahintulot. Kinokolekta rin namin ang impormasyong ginagawa, ina-upload, o natatanggap ng iyong anak mula sa ibang tao habang ginagamit niya ang kanyang account o profile, gaya ng kapag may sine-save na larawan ang anak mo sa Google Photos, o kapag may ginagawa siyang dokumento sa Google Drive.

Ang impormasyong nakukuha namin sa paggamit ng iyong anak sa aming mga serbisyo.

Awtomatiko kaming nangongolekta at nagso-store ng ilang partikular na impormasyon tungkol sa mga serbisyong ginagamit ng iyong anak at kung paano ginagamit ng anak mo ang mga ito, halimbawa, kapag naglagay ang iyong anak ng query sa Google Search, kapag nakipag-usap siya sa Google Assistant, o kapag nanood siya ng video sa YouTube Kids. Kabilang sa impormasyong ito ang:

  • Ang mga app, browser, at device ng iyong anak

    Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa mga app, browser, at device na ginagamit ng iyong anak para i-access ang mga serbisyo ng Google, kabilang ang mga natatanging identifier, uri at mga setting ng browser, uri at mga setting ng device, operating system, impormasyon ng mobile network kabilang ang pangalan ng carrier at numero ng telepono, at numero ng bersyon ng application. Kinokolekta rin namin ang impormasyon tungkol sa pakikipag-ugnayan ng mga app, browser, at device ng iyong anak sa aming mga serbisyo, kabilang ang IP address, mga ulat ng pag-crash, aktibidad ng system, at ang petsa, oras, at referrer URL ng kahilingan ng anak mo. Halimbawa, kinokolekta namin ang impormasyong ito kapag nakikipag-ugnayan sa aming mga server ang isang serbisyo ng Google na nasa device ng iyong anak, tulad ng kapag nag-install siya ng app mula sa Play Store.

  • Ang aktibidad ng iyong anak

    Nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa aktibidad ng iyong anak sa aming mga serbisyo, depende sa mga setting ng anak mo, na ginagamit namin para magawa ang mga bagay-bagay gaya ng magrekomenda ng mga app na posible niyang magustuhan sa Google Play. Magagawa mong piliin kung puwedeng pamahalaan ng iyong anak ang kanyang mga kontrol ng aktibidad. Posibleng kasama sa impormasyon ng aktibidad ng iyong anak na kinokolekta namin ang mga bagay-bagay gaya ng mga termino para sa paghahanap, pinapanood niyang video, impormasyon ng boses at audio kapag gumagamit siya ng mga feature ng audio, mga taong nakakaugnayan o pinagbabahagian niya ng content, at history ng pag-browse sa Chrome na na-sync niya sa kanyang Google Account. Kung ginagamit ng iyong anak ang aming mga serbisyo para tumawag at sumagot ng mga tawag o magpadala at makatanggap ng mga mensahe, halimbawa, sa pamamagitan ng Google Meet o Duo, puwede naming kolektahin ang impormasyon ng log ng telephony. Puwedeng bisitahin ng iyong anak ang kanyang Google Account para makita at mapamahalaan ang impormasyon ng aktibidad na naka-save sa kanyang account o profile, at makakatulong ka ring pamahalaan ang impormasyon ng kanyang aktibidad sa pamamagitan ng pag-sign in sa Google Account ng anak mo, o pag-access sa kanyang profile sa Family Link.

  • Ang impormasyon ng lokasyon ng iyong anak

    Nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa lokasyon ng iyong anak kapag ginagamit niya ang aming mga serbisyo. Puwedeng matukoy ang lokasyon ng iyong anak sa pamamagitan ng paggamit ng GPS, IP address, data ng sensor mula sa kanyang device, at impormasyon tungkol sa mga bagay na malapit sa kanyang device, tulad ng mga Wi-Fi access point, cell site, at device na may Bluetooth. Bahagyang nakadepende sa iyong mga setting at sa mga device ng anak mo ang mga uri ng data ng lokasyon na kinokolekta namin.

  • Ang impormasyon ng boses at audio ng iyong anak

    Puwede naming kolektahin ang impormasyon ng boses at audio ng iyong anak. Halimbawa, kung gumagamit ang iyong anak ng mga command sa pag-activate ng audio (hal., “OK, Google” o pagpindot sa icon na mikropono), may ipoprosesong recording ng sumusunod na pagsasalita/audio para matugunan ang kanyang kahilingan. Bukod pa rito, kung may check ang opsyong Aktibidad sa Boses at Audio ng iyong anak sa ilalim ng setting na Aktibidad sa Web at App, posibleng mag-store sa kanyang account ng recording ng pakikipag-ugnayan ng kanyang boses sa Assistant sa isang naka-sign in na device (na may dagdag na ilang segundo bago iyon).

Gumagamit kami ng iba't ibang teknolohiya para mangolekta at mag-store ng impormasyon ng iyong anak, kabilang ang cookies, mga pixel tag, lokal na storage, tulad ng web storage ng browser o mga data cache ng application, mga database, at mga log ng server. Hindi namin inaatasan ang iyong anak na magbigay ng personal na impormasyong higit pa sa makatuwirang kinakailangan para magamit ang mga produkto at serbisyo ng Google na available sa mga account o profile na ito.

Paano Namin Ginagamit ang Impormasyong Kinokolekta Namin

Mas detalyadong ipinapaliwanag ng Patakaran sa Privacy ng Google kung paano namin posibleng gamitin ang data na kinokolekta ng Google na nauugnay sa Google Account o profile ng iyong anak. Sa pangkalahatan, ginagamit namin ang impormasyon ng iyong anak: para maibigay, mapanatili, at mapahusay ang aming mga serbisyo; makapag-develop ng mga bagong serbisyo; ma-customize ang aming mga serbisyo para sa anak mo; masukat ang performance at maunawaan kung paano ginagamit ang aming mga serbisyo; direktang makaugnayan ang iyong anak kaugnay ng aming mga serbisyo; at magawang mas ligtas at maaasahan ang aming mga serbisyo.

Gumagamit kami ng iba't ibang teknolohiya para iproseso ang impormasyon ng iyong anak para sa mga layuning ito. Gumagamit kami ng mga naka-automate na system na sumusuri sa content ng iyong anak para mabigyan siya ng mga bagay tulad ng mga naka-customize na resulta ng paghahanap o iba pang feature na iniangkop sa kung paano niya ginagamit ang aming mga serbisyo. At sinusuri namin ang content ng iyong anak para makatulong sa amin na tumukoy ng pang-aabuso tulad ng spam, malware, at ilegal na content. Gumagamit din kami ng mga algorithm para makakita ng mga pattern sa data. Kapag may natukoy kaming spam, malware, ilegal na content, at iba pang uri ng pang-aabuso sa aming mga system na lumalabag sa mga patakaran namin, puwede naming i-disable ang kanyang account o profile o puwede kaming gumawa ng iba pang naaangkop na pagkilos. Sa ilang partikular na pagkakataon, puwede rin naming iulat ang paglabag sa mga kinauukulan.

Depende sa mga setting ng iyong anak, puwede naming gamitin ang impormasyon ng anak mo para magbigay ng mga rekomendasyon, naka-personalize na content, at naka-customize na resulta ng paghahanap. Halimbawa, depende sa mga setting ng iyong anak, puwedeng gumamit ang Google Play ng impormasyon gaya ng mga app na na-install ng anak mo para magmungkahi ng mga bagong app na posibleng magustuhan niya.

Bukod pa rito, depende sa mga setting ng iyong anak, puwede naming pagsama-samahin ang impormasyong makokolekta namin sa aming mga serbisyo at sa mga device ng anak mo para sa mga layuning inilarawan sa itaas. Depende sa mga setting ng account o profile ng iyong anak, posibleng iugnay ang kanyang aktibidad sa iba pang site at app sa kanyang personal na impormasyon para mapahusay ang mga serbisyo ng Google.

Hindi maghahatid ang Google ng mga naka-personalize na ad sa iyong anak, ibig sabihin, hindi ibabase ang mga ad sa impormasyon mula sa account o profile ng anak mo. Sa halip, posibleng ibatay ang mga ad sa impormasyon gaya ng content ng website o app na tinitingnan ng iyong anak, kasalukuyang query sa paghahanap, o pangkalahatang lokasyon (gaya ng lungsod o estado). Kapag nagba-browse sa web o gumagamit ng mga app na hindi Google, posibleng makakita ang iyong anak ng mga ad na inihahatid ng iba pang (hindi Google na) provider ng ad, kabilang ang mga ad na na-personalize ng mga third party.

Impormasyong Maibabahagi ng Iyong Anak

Posibleng makapagbahagi ang iyong anak ng impormasyon, kasama ang mga larawan, video, audio, at lokasyon sa publiko at sa iba pang tao kapag naka-sign in siya sa kanyang Google Account o profile. Kapag nagbahagi ang iyong anak ng impormasyon sa publiko, puwede itong ma-access sa pamamagitan ng mga search engine tulad ng Google Search.

Impormasyong Ibinabahagi ng Google

Sa mga limitadong sitwasyon, puwedeng ibahagi sa labas ng Google ang impormasyong kinokolekta namin. Hindi kami nagbabahagi ng personal na impormasyon sa mga kumpanya, organisasyon, at indibidwal sa labas ng Google maliban sa mga sumusunod na sitwasyon:

May pahintulot

Magbabahagi kami ng personal na impormasyon sa labas ng Google nang may pahintulot (kung naaangkop).

Sa iyong grupo ng pamilya

Ang impormasyon ng iyong anak, kabilang ang kanyang pangalan, larawan, email address, at mga binili sa Play, ay puwedeng ibahagi sa mga miyembro ng grupo ng pamilya mo sa Google.

Para sa panlabas na pagpoproseso

Nagbibigay kami ng personal na impormasyon sa aming mga affiliate o iba pang pinagkakatiwalaang negosyo o tao para iproseso ito para sa amin, batay sa aming mga tagubilin at alinsunod sa Patakaran sa Privacy na ito, sa Patakaran sa Privacy ng Google, at anupamang naaangkop na hakbang sa pagiging kumpidensyal at seguridad.

Para sa mga legal na dahilan

Magbabahagi kami ng personal na impormasyon sa mga kumpanya, organisasyon, o indibidwal sa labas ng Google kung mayroon kaming magandang loob na paniniwala na makatuwirang kinakailangan ang access, paggamit, pagpapanatili, o pagbubunyag ng impormasyon para:

  • matugunan ang anumang naaangkop na batas, regulasyon, legal na proseso, o naipapatupad na kahilingan ng pamahalaan;

  • maipatupad ang naaangkop na Mga Tuntunin ng Serbisyo, kabilang ang pagsisiyasat sa mga potensyal na paglabag;

  • matukoy, maiwasan, o matugunan ang panloloko, mga isyu sa seguridad, o mga teknikal na isyu;

  • magprotekta laban sa pinsala sa mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng Google, aming mga user, o publiko ayon sa kinakailangan o pinapahintulutan ng batas.

Puwede rin kaming magbahagi ng impormasyong hindi nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan (tulad ng mga trend tungkol sa pangkalahatang paggamit sa aming mga serbisyo) sa publiko at sa aming mga partner — tulad ng mga publisher, advertiser, developer, o may-ari ng mga karapatan. Halimbawa, nagbabahagi kami ng impormasyon sa publiko para magpakita ng mga trend tungkol sa pangkalahatang paggamit sa aming mga serbisyo. May mga partikular na partner din kaming pinapayagang mangolekta ng impormasyon mula sa mga browser o device para sa mga layunin ng pag-advertise at pagsukat gamit ang kanilang sariling cookies o mga katulad na teknolohiya.

Access sa Personal na Impormasyon ng Iyong Anak

Kung may Google Account ang iyong anak, magagawa mong i-access, i-update, alisin, i-export, at limitahan ang pagpoproseso sa impormasyon ng anak mo sa pamamagitan ng pag-sign in sa kanyang Google Account. Kung hindi mo naaalala ang password ng iyong anak, puwede mo itong i-reset sa pamamagitan ng Family Link app o mga setting ng Family Link sa web. Kapag naka-sign in ka na, puwede mong gamitin ang iba't ibang kontrol na inilalarawan sa Patakaran sa Privacy ng Google, gaya ng mga kontrol ng aktibidad sa Google, para makatulong na pamahalaan ang mga setting ng privacy at impormasyon ng iyong anak.

Kung may profile ang iyong anak, magagawa mong i-access, i-update, alisin, i-export, at limitahan ang pagpoproseso sa impormasyon ng anak mo sa pamamagitan ng Family Link app o mga setting ng Family Link sa web.

Magkakaroon ang iyong anak ng kakayahang i-delete ang kanyang nakaraang aktibidad sa “Aking Aktibidad,” at bilang default, magbigay ng mga pahintulot sa app (kasama ang mga bagay gaya ng lokasyon ng device, mikropono, o mga contact) sa mga third party. Puwede mo ring gamitin ang Family Link para i-edit o baguhin ang impormasyon ng Google Account o profile ng iyong anak, suriin ang aktibidad sa app at mga pahintulot sa app, at pamahalaan ang kakayahan ng anak mo na magbigay ng ilang partikular na pahintulot sa mga app o serbisyo ng third party para ma-access ng mga ito ang impormasyon ng iyong anak.

Kung gusto mong ihinto ang patuloy na pangongolekta at paggamit sa impormasyon ng iyong anak anumang oras, puwede mong i-delete ang Google Account o profile ng anak mo sa pamamagitan ng pag-click sa “I-delete ang account” o “I-delete ang profile” sa page ng Account o Impormasyon ng Profile ng iyong anak sa Family Link app o sa mga setting ng Family Link sa web. Permanenteng ide-delete ang account o impormasyon ng profile ng iyong anak sa loob ng makatuwirang tagal ng panahon.

Makipag-ugnayan sa Amin

Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Google Account o profile ng iyong anak, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin. Narito kami para tumulong. Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa Family Link at Google Account o profile ng iyong anak sa aming help center. Puwede ka ring magpadala sa amin ng feedback tungkol sa Family Link, o Google Account o profile ng iyong anak sa Family Link app sa pamamagitan ng pag-tap sa Menu ☰ > Tulong at Feedback > Magpadala ng feedback, o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin sa email o address sa ibaba.

Google
1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View, CA 94043 USA
Phone: +1 855 696 1131 (USA)
Para sa iba pang bansa, bumisita sa g.co/FamilyLink/Contact

Kung may mga tanong ka tungkol sa kung paano kinokolekta at ginagamit ng Google ang data ng iyong anak, puwede kang makipag-ugnayan sa Google at sa aming tanggapan ng proteksyon ng data. Puwede kang makipag-ugnayan sa iyong lokal na awtoridad ng proteksyon sa data kung may mga alalahanin ka tungkol sa mga karapatan mo sa ilalim ng lokal na batas.

Basahin ang Paghahayag ng Family Link para sa Mga Batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa)

Mga app ng Google
Pangunahing menu